Dumaan ang ilang araw/gabi na pinilit ko ang sarili ko na hindi na umiyak. Pinilit na ngumiti, pinilit na sumaya at pinilit na mag libang kahit na may mga oras na naaalala padin kita. Punong puno na ‘tong sarili ko ng ka-bitter’an. Kahit may galit akong nararamdaman, hindi ibig sabihin non ay hindi na kita mahal. Alam mo? Miss na miss na miss na kita. Sobrangggg miss na kita. Konting sagi lang sa isipan ko yung mga memories natin, yung mundo ko automatic, hihinto at patuloy ng mag iisip. Sobrang miss na kita. ;( Mahal padin kita. Alam ko namang ang salitang MOVE ON eh hindi agad yan nagagawa. :’( Kundi unti-unti itong nangyayari, kung gagawin. Hindi ko na nga alam ang gagawin ko.. Kahit ilang mga kaibigan ko na ang nag ccomfort sakin.. Pinapakinggan ko padin naman sila, sinusunod ko sila. Iniisip ko na lang na, SANA MALAGPASAN KO ITO. Pag sobrang lungkot ko tuwing gabi at hindi ko na mapigilan ‘tong sarili kong umiyak, lagi kong kinakausap si God. Kung sa harapang tao ba eh, heart to heart talk. Habang nag dadasal ako, umiiyak ako. Nahingi ako kay God ng Strength. Hinihiling ko kay God na sana MAS PATATAGIN NYA PA KO. At sana matulungan ako ni God na yung atensyon ko ay mabaling sa iba. :’( Alam ko namang matutulungan ako ni God. Wala namang taong binigo si God, sa mga taong humihiling at humihingi ng tulong sa kanya. Alam kong siya lang ang makakatulong sakin. :’( =) Malalagpasan ko din ‘to. Pinipilit ko ang sarili kong maging matatag. Para kahit naman ngayong sa darating na 17th birthday ko eh, bagong Pau na. Yung hindi na iyakin. :’( Matatag, malakas ang loob at HINDI NA PINANG HIHINAAN NG LOOB.